Sabado, Hulyo 22, 2017

     Ang ating kalikasan ay isang kayamanang ipinagkaloob sa atin ng Diyos.  Napakadaming bagay ang naidudulot sa atin nito tulad ng tirahan, damit, pagkain, kagamitan, gamot at iba.  Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamataas ng antas ng likas na yaman sa buong mundo.
     Sa kasawiang palad, unti-unti nang nasisira ang yaman na ito.  Labis na ang pang aabuso ng tao sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng kaingin, pagpuputol ng mga troso, pangingisda gamit ang dinamita, pagtatapon ng basura kung saan-saan  at pagpapatayo ng mga pabrika na sumisira sa hangin. Dahil dito, tayo ding mga tao ang unang naaapektuhan ng mga pang-aabusong ito. Taun-taon ay dumarami ang mga lugar ang binabaha,
landslide,pagbabago ng klima at "GlobalWarming" o pagtaas ng temperatura dulot ng pagkasira ng Ozone layer. Sa mga ganitong pangyayari, di lamang ari-arian ang nawawala kundi pati buhay ng mga tao.
     Napapanahon na siguro  na umpisahan na nating ayusin ang pagkasira ni Inang Kalikasan. Dapat tayong magkaisa at mag sama-sama na maisalba ang ating likas na yaman.  Umpisahan natin ito sa ating mga sarili,kabahayan, tumulong tayo sa komunidad at makiisa sa ating gobyerno.  Kung hindi ngayon, kailan pa? Buhay natin ang nakasalalay dito.

10 komento:

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  2. Ang ating kapaligiran ay unti-unting nasisira dahil sa polusyon. Dapat na maagapan ito ang pagkasira ng ating kapaligiran. Hindi dapat na naging ganito ang ating kapaligiran kung hindi natin pinabayaan ito. Alagaan at ingatan natin ito dahil maaring ang ating kapabayaan ang maging dahilan ng ating pagkamatay. Huwag natin sirain ang mga bagay na nilikha ng diyos dahil pag namatay ang mga hayo at nalanta o nasira ang mga pananim wala na tayong kakainin

    Alagaan nating ito sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga basura sa tamang tapunan at hindi kung saan-saan. Huwag tayo gumamit ng dinamita upang makahuli ng mga hayop sa dagat. Huwag din tayo magsagawa ng iligal na pagmimina para hindi mamatay ang mga mangingisda at mga hayop na nakakain nito. Dapat rin na magtanim tayo ng panibagong puno kapag tayo ay nagpuputol o kahit hindi tayo nagpuputol. Magresiklo tayo ng mga gamit na puwede pang pang iresiklo upang hindi ito mapunta sa mga katawan ng katubigan at mamatay ang mga hayop doon.

    Ang aking opinyon ay dapat palitan ang mga gobernador gumagawa ng iligal na mga bagay. Dapat makulong ang mga tao na sumisira ng ating kalikasan. Dapat rin na kahit saan ay makulong ang mga tao na nagtatapon ng mga basura kung Saan-saan na nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga hayop sa mga katawan ng katubigan. Dapat kahit bata pa ang mga gumagawa nito ay dapat na nakukulong para sila ay magtanda sa mga ginawa nila dahil hindi biro ang pagkasira ng kalikasan. Dapat ang gobyerno ang gumagawa ng paraan para mahuli ang mga gumagawa ng iligal na gawain dito sa ating kapaligiran

    TumugonBurahin
  3. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  4. Ang kapaligiran ay isa sa pinakamahalaga dahil kung wala ito ang mga tao ay walang mapagkukunang yaman. Walang mapapasyalan at higit sa lahat walang kakulay-kulay ang ating mga buhay. Mahalaga din ito dahil kung wala ito hindi tayo mabubuhay. Sa kapaligiran tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan. Ang ating kalikasan ay nagiging kalbo na dahil sa wala ng mga puno at kaya nawawala ito dahil sa mga taong nagtrotroso at walang pakialam sa kalikasan basta't makabenta sila at magkapera sila, hindi maganda ang ginagawa nating mga Pilipino dahil ang Kalikasan ay ginawa ng ating Diyos upang pangalagaan at hindi sirain o pagsamantalahan. Bilang isang istudyante na gustong magbago ang ating kalikasan tungkulin ko na pangalagaan ito. Maraming paraan para ito ay mapangalagaan. Kaya dapat natin pahalaggan ito wag wag sisirain para ang mga hayop ay magkaroon ng magandang buhay

    TumugonBurahin
  5. Bunsod ng makabagong teknolohiya, lubos na umangat ang antas ng ating pamumuhay. Maraming mga proseso at gawain ang napadali gamit ang mga makinarya. Subalit sa lubos nating kagustuhang mapaunlad ang ating pamumuhay at sumabay sa rebolusyon ng industriyalisasyon, tila nakaligtaan nating ang kalikasan ay hindi panghabambuhay. Ito ay unti-unti nalagas, nakalbo, naabuso at nasira. Maraming suliranin ang kinakaharap nito sa kasalukuyan gaya na lamang ng polusyon o ang pagiging marumi ng kapaligiran.

    Simula pa lang, maganda na talaga ang ating kapaligiran, sariwa ang hangin, malinis ang katubigan, tahimik ang mamamayan, walang basura na nakakalat kung saan saan at higit sa lahat, walang mga punong pinuputol. Polusyon, isang uri ng gawain na pinadudumi at sinisira ang lupa, tubig, hangin, bayan, at atmosphere gamit ang mga dilikado at nakasisirang sangkap o maling pamamaraan. Mayroong tatlong uri ng polusyon, hangin, tubig at lupa.Ang polusyon sa hangin ay ang mga usok na nag mumula sa mga pabrika at mga iba't-ibang bagay na sinusunog na sumasama sa hangin at nagiging resulta sa pagka sira ng ating ozone layer. Ang polusyon naman sa lupa ay ang mga dumi at kalat ng mga basura galing sa mga mamamayang iresponsable at walang disiplina. Ito rin ang mga pagputol ng mga puno sa ating mga kapaligiran. Ang polusyon sa tubig ay ang mga dumi na nangagaling sa pabrika, mga basurang itinatapon sa tubig, at mga dumi galing sa kanal.


    Dapat nating mapigilan ang lahat ng ito dahil nakakadulot ito ng kasamaan hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Maraming mga paraan para mapigilan ito. Isa na dito ay ang pagtapon ng mga basura sa tamang paraan, pagtitipid ng enerhiya, obserbahan ang mga nakakasama sa kapaligiran, maging isang responsableng mamamayan at marami pang iba. Bilang isang estudyante makakatulong ako sa ating bansa na panatilihin nating malinis ang kapaligiran sa paraan ng pagturo sa aking sarili at sa aking mga kapwa na pangalagaan ang mga nasa paligid natin. Bilang kabataan na pag asa ng bayan dapat nating pangalagaan ang ating kapaligiran upang di pa lumalala ang polusyon sa ating kapaligiran. Dapat tayong makilahok sa mga organisasyon pang kapaligiran.

    TumugonBurahin
  6. Ang kalikasan ay nasisira dahil sa polusyon . Ang polusyon ay maruming us ok na nangagaling sa pabrika at mga sasakyan. Ito ay mayroong masamang dulot sa katawan ng Tao. Ito ay nagdadala ng ibat-ibang sakit. Ito ay nakakadumi sa kapaligiran at kalikasan. Ang polusyon ay nakakasira sa Ozone layer. Ang pagsunog ng plastic at styrofoam ay halimbawa ng polusyon. Dapat tayo ay magtulong -tulong na sugpuin o labanan ang problema sa polusyon. Tayo ay makakatulong kung Hindi tayo mag susunog ng plastic at styrofoam. Dapat tayo ay marunong pangalagaan ang ating kapaligiran. Kung hindi natin pangangalagaan ang ating kapaligiran hindi aayos ang ang ating kapaligiran at kalikasan

    TumugonBurahin
  7. Ang kalikasan ay biyayang ipinagkaloob sa atin ng diyos. Hindi ito pawang laruan lamang na pwedeng gamitin nang paulit ulit at pabayaan itong masira. Ito ang pinaggagalingan nang buhay na meron tayo ngayon: nang hangin na ating hinihingaan, nang pagkain na ating pinakikinabangan at marami pang iba. Hindi natutulog ang pagasa na balang araw ay makikita natin ang halaga nito.
    Alagaan natin ito sa pamamagitan nang pagtapon nang basurahan sa tamang lagayan.

    Sana sa sampung taon mula sa araw na pagsulat ko nito, mabigyan nang pagkakataon ang susunod na henerasyon na matamasa ang kalinisan nang kalikasan.

    TumugonBurahin